Miyerkules, Setyembre 13, 2017

TALUMPATI: Pagkahilig ng kabataan sa Social Media

Pagkahilig ng kabataan sa Social Media
           
Sa aking butihing guro at kapwa ko mag-aaral isang magandang umaga sainyong lahat. Hayaan ninyo na hiramanin ko sandali ang inyong mga taynga upang mailahad ko ang aling saloobin.
        
        Lahat naman siguro tayo ay alam ang social media diba? Ngunit bakit nga ba maraming kabataan ang nahuhumaling dito. Sabi nga nila ang social media na ang nagiging tambayan ng mga kabataan tama ba? Dahil marami saatin ay ito na ang ginagawang pampalipas oras. At lingid nga sa ating mga kabataan na madaming pwedeng gawin dito tulad na lamang sa paggamit ng Facebook. Ito rin ang pinaka- ginagamit ngayon ng mga milenyal at ginagawang libangan. Sa pamamagitan nito ay mas napapadali ang pakikipag-komunikasyon natin saating mga kaibigan, kamag-anak, at iba pang mahahalagang tao sa buhay natin. At minsan dito rin nagkakaroon ng ugnayan ang dalawang tao. Hindi na nakapagtataka na sa dami ng pwedeng gawin natin dito ay may mga bagay na hindi na natin nagagawa tulad na lamang ng hindi pagtulong sa mga gawaing bahay, hindi tamang oras ng pagkain at maging sa ating pag-aaral ay nagkakaroon nadin ng epekto, lalo na sa mga kabataang naglalaro ng online games, dahil marami sa mga ito ay sobrang nahuhumaling na nang sobra at naapektuhan na ang kanilang pag-aaral at maging ang mga buhay nila. Marahil nga na may mga kababataan ngayon ang bumabagsak sa kanilang eskwela at hindi rin nakakapagtaka ang ganito. Sa akin kasing mga naging obserbasyon ngayon sa ating kabataan ay mas nagiging produktibo at aktibo tayo sa mga bagay bagay dahil ayaw nating nagpapahuli sa nagaganap sa ating paligid dahil ang mas gusto natin ay makisabay, na kung kaya't ay may punto din naman ngunit may mga bagay din na hindi sa lahat nang oras ay kailangan lumibang tayo ng husto, kailangan alam din natin kung hanggang saan lang ang limitasyon natin at kung paano maibabalansi ang tamang paggamit ng social media. Sa kabilang banda kasi alam nating isa ito sa nakakatulong sa ating pag-aaral gaya nalang ng paggamit sa google at iba pang mga napagkukunan natin ng mga impormasyon, kaya mas nararapat na gamitin natin ito ng tama at maayos.


Ano pa nga ba ang dapat nating gawin bilang isang kabataan upang mas magkaroon pa ng magandang epekto ang pagkahilig natin sa social media? Gawin natin itong daan upang magkaroon nang kabuluhan ang ilang oras na nasasayang natin sa paggamit nito sa kung ano-ano lang. Itong pagkahilig natin sa social media ay may magandang patutunguhan, dahil alam natin kung ano ang bentahe nito sa atin lalo na sa ating mga kabataan. "Pahalagahan ang bawat segundo, minuto o oras sa mga mahahalagang bagay." muli salamat at magandang umaga sainyong lahat.